Posts tagged it.

C# Programming. Hahaha may error yatang konte ne.

Trip ko lang magkwento tungkol sa ICS day namin last friday,

As usual, kapag ganitong event, sa mga resort ginagawa. Tapos syempre, di nanaman ako nag swimming. Mas ineenjoy ko kasi ang mga villa. Hahaha Makakapagswimming naman ako by just availing the cottage, pero hindi ka makaka access sa mga villa kasi nga cottage ang pipiliin mo. I mean, kapag school event siya, doon mo lang naeexperience ang villas, kapag friends kasi, cottage. Hahaha
Anyways, i belong sa red team. Actually wala akong sinalihan sa mga games para malaya akong mag gala gala at mag picture. Pero mga 10mins before the talent show, sinabihan ako na samahan ko raw yung representative ng team namin na kumanta. What makes you beautiful daw yung kanta, um-oo naman ako habang sinesearch ko pa sana sa google ang lyrics kaso di ako makakonek aZar, so come what may na. Yung kaduet ko pa naman, di ko kilala. Hahaha tapos ayon, ang saya kasi di magtugma yung boses namen, ang cute puta hahaha share ko rito yung video para kung may interesado hahaha

Natapos na kahapon ang exam namin sa NC II Computer Hardware Servicing. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Masaya ako kasi pasado lahat kami ( sa pagkakaalam ko, pumapasa naman lahat) pero meron pa ring feeling na “walang fulfillment” kasi nga pinapasa naman nila lahat ng nag-eexam. Pano mo masasabi na angat ka sa kanila kung pareho naman kayong passer na sa katunayan ay di naman sila qualified.

#it  #kwento  #exam  #tesda  

Ang paglimot sa isang tao ay parang pagrereformat ng isang system (desktop,laptop,etc). Kung gagawin mo yun, siguraduhin mong kaya mong bitawan ang lahat ng pinagsamahan niyo, masaya man o malungkot. Though maari mo namang i back-up yung mga masasayang moments. Nevermind yung mga bad memories, yun kasi ang virus, yun ang dahilan kung bakit ka magrereformat ng puso.

Aanhin mo ang magandang cellphone kung lagi namang katabi ng pader.

eh kasi naman no, karamihan sa mga phone ngayon eh smartphone, eh syempre pag ganon, may RAM na sila, may ROM pa nga yung iba, kaya naman kaagad lowbat. Depende rin naman sa gamit ng phone. Kung pangtext lang naman talaga kailangan mo, edi yung bar phones nalang. Atlis aabot ng ilang araw. Pero kung techie ka talaga, sa smartphone kana, kaso siguraduhing may dalang charger everywhere.

HAHAHA. Ang talino eh. Pero alam ko may way talaga para maging invisible yung folder mo eh kaso ang daming step kaya di ko na tinandaan.

#fb  #it  #not mine  

Usapang Android

Slr anon. Ganito kasi, di porke android ang phone, eh pipiliin mo na agad-agad. Iba-iba kasi sila. Pero SA PANAHON NGAYON parang ang kinokonsider na pinakamababa ay yung gingerbread. Tapos pinakamataas yung jellybean, next is Ice Cream Sandwich, then HoneyComb (hindi gaanong nage-exist). Kapag mas mataas yung version ng android, mas maraming compatible apps na pwedeng i-install.

Ito yung table, kinuha ko pa sa wiki. Hahaha

image

Nung kapanahunan ng Cupcake, Donut, Eclair, saka Froyo, hindi pa ako mulat sa Android eh, kaya wala ako masabi tungkol sa kanila. Ewan ko anong model ng mga phones ang merong ganyang version. Hahaha

May nabasa naman ako na ang next na mare-release na name ng android version is Key Lime Pie.

Nakakatuwa nga yung mga names ng Android Versions diba? Ang tatamis, lakas maka-dessert. Hahaha. Kaya kapag bibili kayo ng Android Phones/Tablets, check niyo muna kung anong version siya. Higher Version, mas OK! :)

Just click this link to know more :)

noootfound asked: carloooh ano hmmp any idea or advice para sa mga incoming freshmen sa i.t kinakabahan kse ako eh if eto na tlga haha:)))) tska nkita ko grades mo antataas :)

• Dapat talaga may passion ka sa computer studies kung IT ang kukunin mong course. Wag yung peer pressure. Kung hindi, may chance na magshishift ka lang.
• Dapat mayaman ka sa logic, kailangang kailangan mo yan sa programming.
• Matyaga at masipag sa pag-analyze ng mga codes.
• Expect mo nang lumabo ang mga mata mo T.T


Wala na akong masabi eh. Hahaha. Basta masaya maging IT, kasi student ka palang, naa-apply mo na yung mga natututunan mo sa school. Yun bang, kakaturo palang sa klase kaninang umaga, kauwi mo sa bahay, mae-explore mo na siya lalo. Student ka palang, pwede mo nang pagkakitaan yung mga natutunan mo, example yung pagrereformat. Saka maraming tricks sa computer na pwede mong malaman na talaga namang maa-amaze ka. Hahaha. Ayun, Goodluck sa mga mag IT 
Last na, dapat alam mo, iprioritize ang mga subjects mo, minsan kasi mas kailangan i prioritize ang ibang minor kahit pa sa major pa.

#it  #BSIT  

Second Year, Second Semester Grades.

Yung mga kaklase ko kasi, nagpost ng mga grades nila sa facebook. Edi gumaya ako. Hahaha. Kaso yung sa kanila, pinicturan lang. Eh ang labo kaya, kasi parang na-fast draft lang yung pagprint. Yung online viewing of grades naman, di man kumpleto, merong pang Not Finalized. Wala rin kaming scanner. Kaya tinype ko nalang sa MS Word. Hahaha

So ayan, tungkol naman sa grades, di ko expect na ganyan kataas, kasi para sakin, mataas na yan eh. Di naman ako gaanong nage-effort pag may quiz at exam kasi. Yung mga projects, halos group or by partner kasi programming yun, eh magaling yung mga kagroup/kapartner ko, kaya damay ako sa mataas na grades. Hahaha. Ang saya talaga! Yayy! :D

#print screen  #grades  #it  #mqc  

Kanya-kanyang overnight mamaya hanggang biyernes para sa paggawa ng systems :) #IT #systems #overnights

Shet! Kakaibang overnight dahil sa paggawa ng dalawang system. Parang dalawang gabi siya kasi dalawang overnight nga siya kaso nga lang, may pasok kinabukasan so katapos magpuyat kakagawa ng system, sabay-sabay kayo papasok ng school then ka-dismiss, ibang bahay na naman ang uuwian niyo para ituloy ang system. puta. wala ng hiya hiya sa haggard na mukha sa pagpasok ng school. Ganito lahat balak ng mga grupo eh. 

#IT  #student  #personal  

Sabihan ka ba naman ng teacher mo na pang Elementary raw ang ginawa mong Research Title

Oh time check, 2:50AM.
Exactly 5hours rendering time. 1350 frames. Lapit na whooooo! Babalik ako ng 3:30 para icheck kung tapos na.

#it  #blender  

Lagpas na sa kalahati ang process. Heto nakahiga na ako at iniwanan kong nakabukas ang computer sa sala. Hindi ko alam kung hindi ba titigil ang process pag nagsleep ang computer. Alangan namang bantayan ko yun para lang may taga’galaw ng mouse.

#it  #blender  

Mga pasado alas-nuebe ng ibigay sakin yung design ng Lava Lamp tapos yung animation nalang ang ginawa ko. Nagstart akong i-render ang animation ng 9:44 so halos mag 2 hours na siya sa rendering process. Pero wala pa sa 1/3 ang narerender na frame. Potek. 430/1500 -_-

#it  #blender  #lavalamp